Tuesday, October 21, 2014

Ano Ba Ang Affiliate Marketing

Noon kapag gustong kumita ng pera,dalawang bagay ang pwedeng pagpilian. Maghanap ka ng trabaho o magsimula kang magnegosyo. Pero syempre,hindi ganun kadali ang paghahanap ng trabaho. Mahirap at magastos din ang magsimula ng negosyo.

Kaya ng dumating ang internet,maraming ng mga tao ang ginagamit ito para makapagbenta ng kanilang produkto at serbisyo. Pero marami sa  mga business owners ang nagiging sobrang busy sa pagaayos ng kanilang website, inventory, atbp.
Nakalimutan nila na kailangan magkaroon ng mga taong bibisita ng kanilang website para makita ang kanilang mga ibinebenta. Para kang naglagay ng isang tindahan sa gitna ng disyerto na walang dumadaang tao.
Kahit na maganda ang kanilang offer pero kung wala naman internet traffic, wala din makakaalam ng kanilang offer. Kaya naman ang mga malalaking companies sa internet ay gumagamit ng
SEO or search engine optimization.
Para ang kanilang mga website ay mapabilang sa mga top results ng mga search engines.
Ang iba naman ay handang magbayad ng malaki kay google at yahoo para makapag-advertise.
Sa google, tinatawag itong adwords program.Dito Kailangan mong magbayad kay google sa bawat magki-click sayong ads kaya ito tinawag na Pay Per Click Advertising. Bumilli man sila o hindi, kailangan pa din magbayad kay Google.

Kaya naman, malaking pera ang ginagastos ng mga advertisers para lang magkaroon ng mga web visitors ang kanilang mga websites.
Buti nalang at naimbento ang Affiliate Marketing.
Ano nga ba ang Affliate Marketing?

Para sa mga internet marketers, ito ay isang mabisang paraan ng pagmamarket.
Sa pamamagitan ng Affiliate Marketing, ang mga store owners ay pwedeng magamit ang mga websites, blogs at facebook pages ng ibang tao at maging affiliates.

Kapag nakapagrefer sila ng mga customers na bibili ng kanilang offer sa pamamagitan ng affiliate links na ilalagay naman nila sa kanilang mga websites, makakatanggap sila ng referral commissions.
Sa pamamagitan nito, maaari ng kumita ang mga store owners na hindi naglalabas ng pera para sa marketing ng kanilang produkto.
Kaya naman marami na ngayon ang gumagamit ng affiliate programs sa kanilang mga business.Gaya ng Amazon,office depot,best buy, bed bath and beyond at marami
pang iba.
Higit sa lahat ay napakadali lang nito dahil ang kailangan lang gawin ng mga affiliates para kumita ilagay ang special affiliate links sa kanilang mga blogs, website or facebook page.

At kapag isa sa mga website visitors ay nag-click sa affiliate link,automatic siyang mapupunta sa website store.
At kapag siya naman ay bumili ng offer, automatic na may matatanggap na referral fee ang may-ari blogs,website or facebook page. Ang tawag dito ay affiliate commission.

Sa madaling salita, ang isang affiliate ay maaaring kumita sa pag-aadvertise ng mga products ng ibang tao.
Hindi mo kailangan magstart ng business, maghire ng mga tao,
gumawa ng sariling produkto, bumili ng inventory o magpaliwanag sa ibang tao.
Ang trabaho mo lang ay magdala ng mga web visitors sa affiliate link.
Kaya naman masasabi natin na ang Affiliate marketing is the best way to make money online.
Start your Affiliate Marketing Business Now.!!!

No comments:

Post a Comment